By Bernard Taguinod/Armida Rico, Abante Tonite Pinagso-sorry ng isang kongresista sa Taiwan si Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima kaugnay ng pagtatampo ng naturang bansa na naglalagay sa alanganing sitwasyon sa mahigit 100,000 Overseas Filipino Workers (OFWs). Ayon kay Buhay partylist Rep. Irwin Tieng, ang DOJ ang nagkamali nang ipa-deport sa China ang 14 Taiwanese kaya kung mayroong dapat humingi ng apology ay si De Lima at hindi si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III. |