President Benigno Aquino III had speech for June 12, 2014 Araw ng Kalaayan at the 116th anniversary of Philippine independence.
Talumpati
ng
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Sa ika-116 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas
[Inihayag sa Lungsod Naga, Camarines Sur, noong ika-12 ng Hunyo 2014]
[Mga pagbati]
Mga namomotan ko pong mahimanwa, Dios marhay na aga sa indo gabos. [Palakpakan]
Pinagtulungan po ni Leni at ni John na turuan ako ng Bikolano. Sana po ay tama. Kung mali, solo ko pong kasalanan. [Tawanan] Sarap talagang nababalik sa Naga pero alam n’yo ho meron pa tayong mga ilang pupuntahang lugar itong araw na ito. Baka kung preskong-presko pa ho tayo dito, baka maisipan kong hindi lumitaw doon. Malaki hong issue ‘yan dahil ‘yong diplomatic community ay inimbitahan natin sa MalacaƱang ng tanghali.
Kaya pasensya na po kayo kung medyo paspasan ang ating biyahe. Sana po’y tama itong ating hinandang talumpati para sa inyo.
Isandaan at labing-anim na taon ang nakalipas, mula noong pormal na pinatugtog ang Pambansang Awit at iwinagayway ang Pambansang Bandila, sa Kawit, Cavite, bilang mga sagisag ng isang malaya at nagkakaisang Pilipinas. Sa araw din pong iyon, idineklara ang kalayaan ng Pilipinas: Isang bansa tayong kalag sa tanikala ng dayuhan, binubuo ng mga mamamayang hawak ang sariling kapalaran.
Ito po ang ginugunita at ipinagdiriwang natin ngayon—itinuturing natin ang ika-12 ng Hunyo bilang kulminasyon ng lahat ng sakripisyo, pakikipagsapalaran, at tagumpay ng ating mga ninuno, upang makamtan ang kasarinlan mula sa Espanya. Mulat po ang lahat: Hindi nangyari sa isang tulugan lang ang katuparan ng mithiin ng ating mga bayani. Bunga ito ng pagbangon mula sa kabiguan at pagsubok, at ng sakripisyo at pag-aambagan ng napakaraming tao, na pinagbuklod ng nag-iisang layunin: Ang mabuhay nang marangal at malaya sa pang-aapi. Nariyan po ang Kilusang Propaganda na nagpunla ng pagbabago sa isip ng mga Pilipino; ang Katipunan na isinilang, kumalat, at naging kanlungan ng mga bayani; ang maraming sagupaan sa pagitan ng mga gerilyang Pilipino at ng hukbo ng Espanya; ang paglalathala ng dalawang nobela ni Gat Jose Rizal, at ang kanyang pagkakabitay o pagkakapaslang sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre 1896.
At alam din po natin: Ang tapang, ang kadakilaan, at ang rebolusyon at kasarinlang bunsod nito ay hindi natatangi sa iisang rehiyon. Dugong Pilipino ang dumanak sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, upang diligan ang adhikain ng nagkakaisang bansa. Katunayan nga po, dito mismo, ginugunita tuwing ika-4 ng Enero ang Kinse Martires ng Kabikulan. Matapos dakpin, pahirapan, at hatulan matapos lamang ang isang araw ng paglilitis, binitay sa Bagumbayan ang labing-isa sa labinlimang tinaguriang anak ng Bicol, limang araw matapos barilin si Gat Jose Rizal. At sa apat na natira, dalawa ang namatay sa kulungan, at dalawa ang ipinatapon sa kulungan sa isla ng Fernando Po sa Africa at kalauna’y doon na rin namatay.
Malinaw po sa atin ngayon: Ang mga kaganapan ukol sa inyong Kinse Martires ay nagsilbing mitsa ng rebolusyon dito sa Kabikulan. Bago ito, hindi pa umaapaw ang pagnanasang makalaya raw ng mga Bikolano; malayo pa ang mga kaguluhang nagsisimulang kumulo sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ngunit matapos ang pagpapahirap sa labinlimang Bikolano dahil lamang sa kaba at haka-haka ng iilang Espanyol noon, hindi na nagawang magtimpi ng taumbayan. Ang tanong marahil sa puso ng mga Bikolano noon, “Nasaan ang tamang proseso?” ‘Di po ba’t kahit sinuman ang dakpin at lubos na pahirapan, ay darating ang puntong mapipilitan siyang sabihin ang anumang naisin ng nagpapahirap sa kanya?Kung nangyari ito sa kanila—mga pari, guro, manunulat, abogado, negosyante, at lingkod-bayan—sino ang makakapagsabi na ang karaniwang tao ay hindi maaaring dakpin, pahirapan, ipatapon, ikulong, o bitayin nang ganoon na lamang? Kasapi man sila ng Katipunan o hindi, wasto man ang alegasyon o hindi, hustisya nga po kayang matatawag ang ginawang pagyurak sa proseso at sa karapatan ng Kinse Martires?
Napapanahon naman pong balikan ang mga pangyayaring ito, lalo pa ngayong tinatahak na natin ang landas ng reporma at tunay na hustisya. Alam naman po natin ang isa sa mga pinakamainit na isyu ngayon: May ilang prominenteng personalidad nang sinampahan ng kaso ng Ombudsman ukol sa isyu ng pagkakamkam ng pork barrel. Ang kanilang sinasabi: Pinupulitika lamang raw sila. Ipaalala lang po natin: Panahon ng eleksiyon noong 2013 nang unang lumutang ang balita tungkol sa illegal detention kay Benhur Luy, Marso po, pati na ang tungkol sa mga pekeng NGO at pambubulsa sa pondo ng bayan. Ibinilin po natin sa butihing Kalihim Leila de Lima, huwag kang gagawa ng akusasyon hangga’t walang karampatang patunay.Sinunod natin ang tamang proseso: Nagsagawa ng imbestigasyon, nangalap at nangangalap pa ng mga ebidensiya, at ngayon ay nakasampa ng kaso. Puwede naman itong ginawa noon nang mabilisan at walang matibay na basehan upang masira ang pangalan ng mga kandidatong dawit sa kontrobersiya, pero, at kayo na po ang saksi, idinaan natin sa tamang sistema ang pagpapalabas ng katotohanan. At pagkatapos, tayo pa ngayon ang sinasabihan na namumulitika? Kayo na hong bahalang magpasya kung sino ang papanigan niyo sa usaping ito.
Madalas ko nga pong balikan ang sinabi sa akin noon ng aking ama. Ang sabi niya, “Sa tunay na demokrasya, obligasyon ng bawat isa na ipaglaban na hindi lang ang karapatan ng kanilang mga kaibigan, kundi pati na rin ng kanilang mga kalaban. Kung yoyorakan mo ang karapatan ng sinuman, o kung mayoyorakan ang karapatan ng sinoman, darating ang panahon na karapatan mo naman ang babalewalain.” Siya nga po mismo ay nakaranas din ng kawalan ng hustisya. Isang taon po bago ideklara ang Batas Militar, sinabi na ng aking ama kay Ginoong Marcos, bilang Punong Ehekutibo na nagparatang sa kanya, obligasyon niyang iharap ang aking ama sa husgado. Pero nilitis lang ang aking ama nang ipasailalim ni Ginoong Marcos ang bansa sa Martial Law. Iniharap sa court martial ang aking ama, kung saan ang militar ang lilitis sa isang sibilyan. Sa hukumang binubuo ng mga mahistrado, abugado, at mga testigong itinalaga ng mismong nagsampa ng kaso na si Ginoong Marcos, pilit na binaluktot ng diktadurya ang katarungan. Sa madaling salita po, si Ginoong Marcos ang nag-akusa, siya rin ang naglitis, at siya pa rin ang may kapangyarihan magdesisyon sa kanila. Kitang-kita po dito kung paano binaluktot ng diktador ang sistema ng hustisya, upang makuha ang gusto niya.
Ang karanasan nga po ng aming pamilya ang nagturo sa akin ng kahalagahan ng pakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay upang mawakasan ang siklo ng kawalang katarungan. Ngayon nga pong nasa posisyon na ako para maisabuhay ang mga aral na ito, gagawin ko, at ginagawa ko ang lahat at ginagawa ko ang aking makakaya upang mabigyan ng hustisya hindi lamang ang iilan, kundi ang buong sambayanan.
At ito nga po ang aral ng kasaysayan: Ang mga pangyayari sa isang bahagi ng ating kapuluan ay nakakaapekto sa kapalaran ng buong bansa; ang paglaban sa pang-aapi, sa katiwalian, o sa kahirapan sa isang lalawigan ay may ambag sa kabuuang pagbabagong tinatamasa natin bilang nagkakaisang bayan. Ito rin ang kaisipang isinasabuhay ng mga proyekto at inisyatiba ng inyong pamahalaan. Nariyan po ang ipinapatayo nating Bicol International Airport sa Daraga na magpapasigla sa sektor ng turismo, at magpapaunlad sa ating pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng bansa. Ang panukalang one-stop Migrants Resource Center naman po dito sa Naga ay bahagi ng ating agenda upang iangat ang kakayahan ng mga OFW sa iba’t ibang panig ng daigdig; habang ang extension ng PNR charter na ipinasa ng Kongreso ay manganganak ng oportunidad, hindi lamang sa mga lalawigang dadaanan ng riles, kundi sa bawat Pilipino na maaaring makinabang sa mga pagkakataong bubukas dahil sa mas masiglang ekonomiya.
Ang pagwawaksi sa korupsyon at pang-aabuso sa sistema saan man sa Pilipinas—sa lokal mano sa mga pambansang antas—ay magbubunga ng mas matibay na mga institusyong makapaglilingkod sa bawat Pilipino. Bawat isa sa atin ay mayroong maiaambag upang hindi masayang ang isinakripisyo ng ating mga ninuno. Dalawang taon mula ngayon ay kakailanganin na naman nating pumili ng bagong mga pinuno sa ating bansa. Ang hamon sa atin: Piliin ang mga kandidatong kayang ipaglaban ang interes ng bawat mamamayan, sa harap ng anumang hamon. Hindi natin kailangan ng magaling bumigkas ng script, mahusay sumayaw, o kaya magaling kumanta. Pananagutan nating mag-iwan ng mas makatarungan at mas maunlad na Pilipinas kaysa atin pong dinatnan.
Sa pag-usad ng kasaysayan, ipinagtatanggol at patuloy nating nakakamit ang mga adhikain ng ating mga ninuno: Matapos bumagsak ang Unang Republikang itinaguyod sa Malolos, nilabanan natin ang iba pang dayuhang sumakop sa bansa. Bumangon tayo mula sa pinsalang dulot ng digmaan. Tinibag natin ang diktadurya gamit ang mapayapang rebolusyon noong 1986. Patuloy na lumitaw ang mga bayani na magtataguyod ng iba’t ibang anyo ng kalayaan sa maraming bahagi ng bansa: Ang mga marinong nakaistasyon sa Ayungin; si Jesse Robredo dito sa Naga; ang milyun-milyong Pilipinong nagtipon sa EDSA. Ito ang isinasabuhay ng mga gurong nagpapatulo ng pawis upang magabayan ang ating mga mag-aaral; ito ang isinusulong ng mga sundalo at pulis na nangangalaga sa ating teritoryo at seguridad; ito ang itinataguyod ng ating mga propesyunal at lingkod-bayan sa kanilang araw-araw na pagtupad sa kanilang tungkulin.
Bilang mga tagapagmana ng kalayaang ipinaglaban ng mga nauna sa atin, tungkulin po ng bawat isa sa ating hindi na hayaang bumalik ang ating bansa sa dati nitong kalagayan; ang hindi na muling magbunsod ng mga panibagong sakripisyo sa maraming Pilipino. ‘Di po ba’t nasusukat ang tunay na tagumpay sa pagkamit ng pagbabago kung hindi na nangangailangan ng mabibigat na sakripisyo?
Ngayong Araw ng Kalayaan, sama-sama po tayong nagbibigay-pugay sa mga bayaning ipinaglaban ang tama. Gamitin natin silang inspirasyon sa patuloy nating paglalakbay sa daang matuwid. Isapuso natin ang iniwan nilang aral: Ang malasakit sa ating kapwa ang maghahatid sa atin sa mga inaasam-asam natin bilang isang lahi. Sa ganitong paraan lamang po natin masasabing tunay tayong karapat-dapat sa kanilang mga sakripisyo; sa ganitong paraan lamang po natin maitataguyod ang isang Pilipinas na ganap na makatarungan at malaya.
Ulit po, isang magandang umaga po sa lahat, at maraming salamat po.
English translation:
Speech
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
At the 116th anniversary of the proclamation of Philippine Independence
[This is an English translation of the speech delivered in Naga City, Camarines Sur, on June 12, 2014]
It has been one hundred and sixteen years since our national anthem was formally played and our national flag was waved in Kawit, Cavite as symbols of a free and unified Philippines. On that day as well, the Philippines declared its independence: a country unshackled from foreign chains, composed of citizens who had control of their own destinies.
This is what we commemorate today. For us, the 12th of June is a culmination of all the sacrifices, the battles, and the triumphs our ancestors underwent to achieve independence from Spain. We are all aware: The goals of our heroes were not fulfilled overnight. It was the result of facing and overcoming multiple setbacks and challenges, and of the cooperation of several people united by one purpose: to live dignified lives, free from oppression. There was the Propaganda Movement, which planted the seeds of change in the minds of Filipinos; the Katipunan, which grew to become a refuge to many of our heroes; the many encounters between Filipino guerillas and Spanish forces; the publication of two novels by Gat Jose Rizal, and his martyrdom in Bagumbayan on the 30th of December 1896.
No single region can lay claim to the courage, the nobility, the revolution and the liberty borne from it. Filipino blood was shed in various parts of this country to nourish the ambition of a nation free and united.
It is here, truth be told, where we commemorate the 15 martyrs of Bicol every January 4. After they were captured, tortured, and sentenced after only one day of trial, 11 of the 15 sons of Bicol were hung at Bagumbayan, five days after Gat Jose Rizal was executed. Two of the four who survived died in prison, and the two who remained were sent to exile in a prison at Fernando Po island in Africa and there soon expired, too.
It is clear to us now: The events of the 15 martyrs were the spark that ignited revolt in the Bicol region. Prior to it, Bicol’s yearning for freedom might had not yet reached a critical point; pockets of dissent in the rest of the country were of little concern. After the 15 Bicolanos were martyred, citizens could no longer be silent. Perhaps this was the Bicolanos’ question back then: Whatever happened to due process? Is it not true that every victim of detention and torture that is broken will confess to anything to stop the torment? If this could happen to them—priests, teachers, writers, lawyers, merchants, and public servants—could it not be said that ordinary people may also be taken, tortured, exiled, detained, and executed without due process? Even if the allegations were true—that they were Katipuneros-—can we call the mockery of due process and human rights done to the 15 martyrs justice?
It is important to reflect on our history, especially now that we are treading the path towards reform and justice. We are all well aware of what is happening at present: Several prominent personalities have been charged by the Ombudsman on the issue of the plunder of the PDAF. Their response to the accusation: We are being singled out for political reasons. It would be only be fair to remind everyone: News about Benhur Luy’s illegal detention first broke during the height of the 2013 electoral campaign. There were stories about faked NGOs used in stealing public funds. Back then, I instructed Secretary Leila De Lima to carefully study the case, I told her that no accusations should be made without sufficient proof. Thus we followed the correct process: an investigation was initiated; evidence was and continues to be collected, which ultimately led to the filing of cases. We could have rushed this from the onset, bringing to court accusations without sufficient proof—if our intention was to simply damage the reputation of the candidates accused. However, as you have witnessed, we chose to pursue the truth by using the proper system. And now, after all that we have done, we are the ones being called out for politicking? I leave it to you now to choose who is telling the truth.
Times like this, I remember what my father used to tell me: “In a true democracy, every person is required not merely to protect the right of those they agree with, but to defend even the rights of those with whom they disagree. If the rights of any one is disregarded, there will come a time when your own rights will be disregarded.” My father himself knew what it was to experience injustice. A year before Martial Law was declared, my father had told Mr. Marcos, that it was the Chief Executive’s duty to bring him before the court, since he had accused my father. My father, however, only faced trial when Mr. Marcos had the whole nation under Martial Law. My father was court-martialed, with the military judging over the fate of a civilian. In a court where the judges, the lawyers, and the witnesses themselves were men of Mr. Marcos—the very person who filed the case against my father—the dictatorship forcefully tipped the scales of justice. In short, Mr. Marcos was accuser, judge, and executor. Without doubt: the rod of justice was bended.
My family’s legacy taught me the importance of fighting for equality to break the cycle of vicious injustice. Now that I am in a position to apply these principles, I will continue to do everything in my power to proffer justice not to a select few, but to the entire nation.
History has, after all, taught us: Events that occur in one part of our archipelago affects the destiny of the entire nation; winning the battle against oppression, corruption, or poverty in one province contributes to the revitalized country that we all work to attain. This is also the idea behind the projects and initiatives initiated by your government. There is the Bicol International Airport in Daraga, which will stimulate the tourism sector and develop trade and communication within the country and beyond. The proposed one-stop Migrants Resource Center in Naga is part of our agenda to bolster the qualifications of OFWs in different parts of the world; while the extension of the PNR charter that Congress passed aims to give birth to possibilities, not only for the provinces traversed by the railway, but for every Filipino who will benefit from the many opportunities brought about by a vibrant economy.
Ending corruption and the abuse of the system anywhere in the Philippines—whether in the local or national level—will create stronger institutions that will better serve every Filipino. Each of us has something to contribute so that the sacrifices our forefathers made for us will not have been in vain. Two years from now, we will once again choose our country’s leaders. The challenge for us is to elect candidates who can fight for the welfare of every citizen in the face of any kind of adversity. We do not need those whose words are merely dictated by scripts, nor do we need talented dancers or fantastic singers. Instead, it is our duty to create a Philippines more just and prosperous than that which we have come to know.
In the course of history, we continue to defend and uphold the dreams of our forefathers: After the fall of the First Republic founded in Malolos, we fought off those who invaded our lands. We rose up from the ravages of war. We overthrew a dictatorship through peaceful revolution in 1986. Now, heroes who uphold the various forms of freedom around the many parts of our country continue to emerge: The marines stationed at Ayungin; Jesse Robredo here in Naga; the millions of people who gathered in EDSA. This is what the teachers who toil away to guide our students, the soldiers and police who protect our territory and security, uphold. This is what our professionals and public servants accomplish in fulfilling their tasks from one day to the next.
As heirs of the freedom that those who came before us fought for, each and every Filipino has a responsibility to ensure that our country will never return to the conditions of the past—to a situation that once again necessitates the sacrifices of so many Filipinos. After all, is this not the measure for our success in bringing about meaningful change—when our countrymen are no longer asked to make such grave sacrifices?
On this Independence Day, together, we pay tribute to the heroes who fought for what was right and what was just. May they inspire us, as we continue to tread the straight path. Let us take to heart and live out the lesson they have bequeathed to us: that it is care and compassion for our fellowmen that will allow us to realize the aspirations we share as one people. Only in this way can we say that we are truly worthy of their sacrifice; only in this way can we bring about a truly just, truly free Philippines.