Tuesday, December 10, 2013

DOLE Advisory 13th month pay, reminds employers dapat maibigay on or before Dec. 24


Nagpalabas ngayon ng advisory si Labor Secretary Rosalinda Baldoz upang paalalahanan ang mga employer sa pribadong sektor kaugnay ng 13th month pay ng maraming mga manggagawa.


Kasunod ito ng inilabas na advisory ni Baldoz, na nagsasabing kinakailangan ang pagbibigay ng 13th month benefit bilang pagkilala sa mga manggagawa na siyang pangunahing puwersa sa productivity, competitiveness at profitability ng kompaniya.

Ayon sa kalihim, obligado ang mga employer na magbigay ng 13th month pay alinsunod na rin sa Presidential Decree No. 851 at implementing rules and regulation.

Alinsunod sa batas, ang 13th month pay ay katumbas ng isang buwang suweldo ng manggagawa kung siya ay nagtrabaho sa kompaniya ng isang buong taon.

Batay naman sa computation ng DOLE, ang halaga ng 13th month pay ay natutukoy kapag hinati sa 12 ang kabuuang halaga ng basic salary na kinita ng manggagawa sa buong taon.

Aniya ang 13th month pay ay kinakailangan na maibigay bago o pagsapit ng December 24 na pinipiling employment status, basta't ang trabahante ay nagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan sa loob ng calendar year.

Source : Bomboradyo