Mariing kinondina ngayon ng pamahalaang Pilipinas ang nangyaring suicide bombing attack sa Yemen na ikinasawi ng pitong Pinoy at ikinasugat ng 11 iba pa. Kinumpirma sa Bombo Radyo ni Department of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez na kabilang sa kabuuang 52 nasawi ang mga kababayan.
Nanawagan din ang DFA sa Yemeni government na panagutin ang mga nasa likod nang aniya'y "senseless and barbaric act".
Hiniling din ni Asec. Hernandez sa mga Yemeni authorities na tiyakin ang kaligtasan ng mga kababayan doon.
"We condemn this senseless and barbaric act. We call the Yemen government to bring mastareminds to justice and ensure the safety of Filipinos and other foreigners in Yemen," ani Hernandez.
continue reading at bomboradyo