Mahabang pilahan bago ka makakuha ng relief goods, abutin ka man ng ulan o arawan, dapat dito ay walang alisan baka sa rasyon di ka mapabilang. Kaya, kapag umabot ka na sa unahang pila at naabutan "TODO NGITI" sa mukha mababanaagan. (katulad ng nasa larawan ng dalawang bata)
Paano na lang kung maubusan at walang rasyong makukuhanan, o sadyang yung iba di pa naabutan? Okey ang sitwasyon kung malapit ka sa kabihasnan, paano kung nasa remote area ka at wala kang balita kung may rasyon kang aasahan, yun po ang nakakaawa.
Maraming "sana" ang mailalabas mo sa iyong damdamin, kung pagmamasdan mo ang kanilang kalagayan, dahil ikaw mismo ay nadarama mo kung paano nila MALAMPASAN ang lahat nang pagsubok sa kanilang buhay.
Di lamang habag o awa ang simpatya natin pwedeng maparating sa kanila. Yung pagkilos at todong damayan ang higit nilang kailangan na kalinga.
Mahaba pa ang proseso upang maibalik ang trauma nilang sinapit at magbalik sa normal ang pamumuhay, muli at sana tulungan po natin ang ating mga kababayan sa anu pa man na pamamaraan...SA ABOT NG ATING MAKAKAYA.
Soure : OFW Bayani KA's Page