Sunday, November 10, 2013

MTRCB Statement - Maghinay-hinay sa pagpapakita ng 'typhoon effect'


Hinimok ngayon ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang media networks, lalo na ang nasa telebisyon na maging sensetibo sa pagpapakita ng mga footage ng mga naapektuhan ng bagyo.


Partikular na ang mga kuha sa mga bangkay ng mga nasalanta.

Ayon kay MTRCB chairman Toto Villareal, bagama't nauunawaan nila ang intensyon ng ilang mamamahayag, posible naman itong magdulot ng dagdag na trauma at pangamba sa mga kaanak na hindi pa rin ma-contact ang kanilang mga mahal sa buhay.

Payo ng ahensya, ikonsidera sana ng media organizations ang iba't-ibang aspeto bago isapubliko ang maseselang kuha dahil sa pangmatagalang epekto nito sa mga makakapanood, lalo na sa mga bata.

Source : bomboradyo