Friday, May 17, 2013

OFWs in Taiwan posibleng ilipat sa SoKor and Middle East


Naghahanda na ang gobyerno ng Pilipinas sa posibleng pag-uwi ng mga OFWs sa Taiwan. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kabilang sa kanilang tinitingnang bagong deployment market ang South Korea, Malaysia at Middle East.


Ayon kay Valte, nasa halos 90,000 ang OFWs sa Taiwan kung saan 72 percent rito ay factory workers.

Kasabay nito, patuloy pang bina-validate ang mga napabalitang pagmamaltrato ng mga Taiwanese sa ating mga kababayan.

"According to the DOLE, out of an estimated 85,185 overseas Filipino workers in Taiwan, 72 percent are working in the manufacturing sector/factories; 26 percent in personal/social services and 2 percent in the fishermen sector," ani Valte.

Source : Bomboradyo