Wednesday, December 19, 2012

Talk 'N Text at Rain or Shine, Panalo sa Game 1 ng PBA semis


Ang late jump shot ni Ryan Reyes ang nagdala sa panalo ng defending PBA Philippine Cup champion Talk 'N Text Tropang Texters.

Tinalo ng Texters ang Alaska Aces sa iskor na 66-65 sa Game 1 ng best-of-seven semifinal series, kung saan hangad nilang makuha ang tatlong sunod na Philippine Cup titles

"The ball wasn't for Ryan [Reyes] but the good thing was he was able to step up and take the shot," pahayag ni Talk 'N Text head coach Norman.

Umiskor ng 17 points at 11 rebounds si Jason Castro para sa TNT.

Samantala, nagsanib puwersa sina Jeff Chan at Paul Lee ng Rain or Shine Elasto Painters, upang talunin ang San Mig Coffee Mixers, 91-83.

"We executed our offense well. I'm happy with the way we moved the ball," wika ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao. "You want to get any kind of edge in this situation."

Nakapagtala ng 18 puntos si Chan na dinagdagan pa ng 15 points ni Lee.

Sa panig ng Mixers, kabuuang 17 points ang ginawa ni Yancy De Ocampo.

Ang Game 2 ay gagawin sa Biyernes sa Mall of Asia (MOA) Arena sa lungsod ng Pasay. ( Bomboradyo )