
Ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang Grace, 38, residente ng naturang lugar, na namatay habang isinasalba ng mga doktor sa Aklan Provincial Hospital.
Idineklarang patay ang biktima dahil sa dami ng ininom nitong chlorine na naging sanhi ng pagkasunog ng kanyang lalamunan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Balete PNP na kahirapan sa buhay ang nag-udyok sa biktima na uminom ng chlorine. ( BomboRadyo)