Friday, November 9, 2012

Ikalawang talo, nalasap ng Bulls kontra Thunder; 97-91


CHICAGO - Panalo ang Oklahoma City Thunder kontra sa Chicago Bulls umiskor ng 24 points si kevin Durant at 21 points, 9 rebounds naman ang naitala ni Serge Ibaka para pangunahan ng dalawa ang panalo ng Oklahoma City Thunder kontra Chicago Bulls.

Sa mismong homecourt ng Bulls, ipinalasap ng Thunder ang second-loss ng koponan sa iskor na 97-91.

Si Russel Westbrook ay mayroong 16 points para sa Oklahoma.

Samantala, tinanghal namang best performer ng Chicago si Loul Deng na mayrong 27 points. (bomboradyo)