Wednesday, November 7, 2012

48 na patay sa Guatemala quake; 73K walang power supply


Umakyat pa ngayon sa halos 50 katao ang nasawi habang marami pa ang nawawala kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa pacific coast ng Guatemala.

[Image from ibnlive.in.com]

Ayon kay Guatemalan President Otto Perez Molina, 40 ang mga kumpirmadong namatay na mula sa San Marcos province habang walo naman sa karatig lalawigan na Quetzaltenango.

"It's very sad to meet people here who are waiting to find their families who are still buried. It's really a tragedy and we will do all we can to help the families that are suffering," wika ni Molina.

Sa ngayon ay daan-daang residente ang nasa evacuation centers habang nasa 73,000 residente ang walang supply ng koryente na inaasahang tatagal pa ng ilang araw.

Nakapagtala rin ng serye ng afterschoks matapos ang lindol.

Nagdulot din ng panic kung saan nagsilabasan ang mga tao sa kani-kanilang tahanan at opisina matapos umanong umalog ang mga gusali.

Una rito, naitala ang sentro ng lindol sa layong 23 kilometro mula sa bayan ng Champerico sa Guatemala. (BBC) (BomBoradyo)