Thursday, October 25, 2012

Maraming pasahero sa Bicol, stranded dahil sa walang masakyan


LEGAZPI CITY - Iniulat ngayon ng Coast Guard District Bicol na nananatili pa rin ngayon sa mga pantalan ng rehiyon ang mga stranded na pasahero sa kabila ng pagbuti ng kalagayan ng panahon.

Sa naging panayam kan Ensign Dorris Joy Villegas, sinabi nito na sa datos na ipinaabot sa kanila ng mga Coast Guard detachment sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur at Sorsogon, mayroon pang halos 700 mga pasahero ang stranded sa kasalukuyan.

Sa mga pantalan ng Albay ay mayroon pang 434 na stranded passengers, 85 naman sa Camarines Sur at 16 sa lalawigan ng Sorsogon.
Mayroon ding limang bus, 18 na truck at mga motor bancas na stranded sa mga pantalan.

Nilinaw naman ni Villegas, hindi naman nila pinagbabawalan ang mga ito na makabyahe dahil wala na ang strom signal ngunit stranded pa rin ang mga ito dahil sa kawalan ng masasakyan.

Ito ay dahil na rin sa ang mga operators ang nagdesisyon na huwang na munang pumalaot upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Source : Bomboradyo