Inaasinta ng San Antonio Spurs si Pinoy beanpole Japeth Aguilar bilang project player. Ang high-flying slotman ay nag-tra-tryout ngayon sa iba’t ibang NBA developmental league teams.
Ayon sa isang representante ng Spurs, magandang pag-aralan at timbangin ang kakayahan ng 6’9” Talk n Text Tropang Texter.
Pero ang problema, medyo nasilipan nila ng pagka-malambot si Aguilar.
Kulang umano sa gulang at ruggedness ang Pampanga dribbler, at ito ang nais nilang ilabas ni Aguilar sa summer camp.
Sa ngayon ay nais ng Spurs na i-develop si Aguilar bilang small forward o wingman, bagay na malayo sa kanyang nakasanayang power forward at center dito sa Pilipinas.
Bukod sa Spurs, may alok rin kay Aguilar ang mga D-League teams na Bakersfield Jam at LA Defenders, gayundin ang isang koponan sa Canada. (PTV News)
Source : PTV News