Nag-react kahapon ang presidente ng GMA 7 tungkol sa panibagong isyung lumabas na mahigit P52.5 B ang final amount sa magiging bentahan ng Kapuso Network.
Ayon kasi sa istoryang lumabas kahapon, isang source na familiar sa discussions at isang source na close sa seller ang nagsabi tungkol sa nabanggit na 52.5 B.
Pero sabi nga ni Mr. Gozon sa statement : “we are not the source of the information,” adding that, “we have not signed anything with the supposed buyer.”
Magkaiba ang sinasabi ng kampo ng buyer and seller kaya naloloka na ang marami sa naglalabasang balita.
Kadalasan sa business sections lumalabas ang tungkol sa bentahan na ang karaniwang source daw siyempre ay ang mga nasa business circle, pero pagdating sa kampo ng seller (GMA 7), iba ang sagot nila.
Nakailang beses nang nangyayari na may lumabas sa business section pero mabilis ang denial ng GMA7.
Consistent sila sa pagsasabing wala pa talagang final negotiations bilang hindi pa sila nagkakasundo sa presyo.
Well pinaka-maigi sigurong gawin ay hintayin na lang natin kung ano ba talaga ang kahihinatnan ng kanilang mga pag-uusap – matutuloy ba ang bilihan o hindi?
Continue Readint at philstar.com