Pinangangambahan na mabura na sa mapa ng Benguet,ang pinipreserbang cultural heritage na “banawe rice terraces”,dahil sa patuloy na pagsusulputan ng mga small scale mining sa lugar.
Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan, ibinulgar ni Ifugao Congressman Teddy Baguilat na dahil sa mga small scale mining ,may mga bahagi na sa Banawe rice terraces,ang gumuho na.
Ang mga maliliit na nagmimina sa lugar ang dahilan kung bakit unti-unti nang nasisira ang kapaligiran sa lugar.
Dapat umanong kumilos ang pamahalaan dahil kabilang ang banawe rice terraces sa mga ipini-preserbang cultural heritage ng bansa.
Ang unti-unti ng pagkasira sa lugar ay maaring maging sanhi ng trahedya sa sandaling magkaroon ng mga malalakas na pag bagyo, at lindol.
Sinabi ni Baguilat na posibleng magkaroon ng flash flood kapag hindi napigil ang small scale mining na pinagkakakitaan ngayon doon ng mga lokal na residente.
[ Source Via Pilipino Star Ngayon ]