Nagbanta ang Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga residente ng Northern at Central Luzon, gayundin sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) areas sa posibleng pagbaha bunsod ng pag-ulang dala ng isang low pressure area at inter-tropical convergence zone (ICTZ).
Ayon kay DOST Undersecretary Graciano Yumul kahapon, inaasahang madadagdagan ang tubig-baha sa Central Luzon dulot ng maghapong pag-ulan kahapon na maaaring aabot hanggang ngayong araw ng Linggo.
Sinabi ni Yumul na binabantayan na rin nila ang pagtaas ng tubig sa Marikina river na posibleng makaapekto sa CAMANAVA area.
Nag-abiso na rin umano ang pangasiwaan ng Ipo dam na posibleng magpakawala ng tubig dahil umabot na sa 146 meters ang water level, habang ang Magat dam ay nagsabi na rin na magbubukas ng kanilang mga gate.
PHOTO CREDIT - Art Son
Continue Reading at The Philippine Star