Wednesday, September 21, 2011

Mga Sapat na Pagkain Para sa Tamang Timbang



Para magkaroon ka ng ideal na timbang, maliban sa pag-eehersisyo, kailangang ma-enjoy ninyo ang pagkain mula sa medium proteins, medium carbohydrates at low fat. Simple lang. masdan ang talaang ito.

Proteins
Ang skimmed milk, tokwa, soya, lentils, at itlog ay pinagkukunan ng magandang protina. Tandaan na nag-lalaman din ito ng maliit na dami ng carbohydrates at fats. Ang protinang nagmumula sa manok, lean meat, at isda ay naglalaman ng maraming fats kaya alalay lamang sa pagkain nito.

Carbohydrates
Iwasan ang simpleng carbohydrates gaya ng nasa sugary products tulad ng ice creams, pastries, cakes, mithai at ibang confectionaries. Ang patatas, kanin, tinapay at cereals ay tinatawag ding simple carbohydrates.

Ang complex carbohydrates gaya ng nasa gulay at prutas ay mainam sa katawan.

Fats
Kailangan ng fats sa certain essential metabolism. Mahalaga ito para sa balat, buhok, body heat at iba pa. bawas-bawasan ang karne (maging manok o iba pang karne). Iwasan din ang fat dressing at saturated fats gaya ng mayonnaise, butter at iba pang may mantika. Mas iwasan din ang pagkain na niluto sa recycled o gamit nang mantika. Kung kinakailangan, subukang gumamit ng monosaturated fat (in moderation) gaya ng olive, mustard, cannola.

(source: Abante Online)