Sunday, September 18, 2011

Lunas sa Taghiyawat Gamit ang Kalamansi



Ang kalamansi ay isang epektibong solusyon para sa taghiyawat. Narito ang mga simpleng hakbang para sa mas makinis na mukha gamitvang kalamansi:
Maghilamos ng mukha at maghugas ng mabuti.

Pumiga ng isang kutsaritang kalamansi juice sa isang platito. Kung ito ang unang pagkakataon na gagamit ng kalamansi gumamit ng mas kaunti. Gamit ang bulak, basain ito ng kalamansi juice. Kung ito ay masyadong matapang para sa iyong balat maari mo itong ihalo sa konting tubig. Idampi ang bulak sa iyong taghiyawat.

Iwanan ng magdamag. At maghugas ng mukha kinabukasan.

Pagkatapos itong gawin ng makailang araw sa loob ng dalawang linggo, ang balat mo ay kikinis.

(source: Abante Online)