Tuesday, September 27, 2011

Cranberry Juice Para sa UTI



May urinary tract infection (UTI) ka ba? Uminom ng cranberry juice. Hindi alam ng mga expert kung paano ito nakakatulong laban sa UTI at kung gaano karami ang dapat inumin. Pero malaking tulong ito sa mga babaeng pabalik-balik ang UTI.

Kung mahilig ka sa cranberry juice, ipagpatuloy ang pag-inom nito, lalo na kung may epekto ito sa UTI mo. Hindi naman ito delikado ngunit maaari kang magkaroon ng sakit ng tiyan o diarrhea. Pero iwasan ang cranberry juice kapag gumagamit ka ng mga blood-thinning drugs tulad ng warfarin.

(source: Abante Online)