Ano ba ang dapat kong gawin? Dalawang taon na ang kati ko sa paa at hindi pa rin nawawala. Natutuklap na rin ang balat. Baka lumala ito at makakaapekto sa buto.
Salamat sa pagsulat mo, Emm. Hindi kita gaanong matulungan dahil hindi detalyado angproblema mo. Pero sa tingin ko alipunga din ito base sa sinabi mo. Ilan sa mga sitomas nito ay ang pangangati at parang nasusunog yung gitnang mga daliri ng paa o talampakan. Tumutuklap at nanunuyo din angbalat. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa website ng Abante (www.abante.com.ph) upang mabasa yung mga nakaraang column ko tungkol dito.
Nalaman ko na isa kayong magaling na manggagamot kaya sinadya ko na magpadala ng e-mail tungkol sa matagal na problema ng anak ko. Dalawang taon palang siya nang may tumubo sa balat niya na may laman tubig kapag napisa. Makati ito kaya kutob ko ay allergy ito. Madami na kaming pinainom na gamot at pinahid na cream para sa allergy pero hanggang sa ngayon na anim na taon na siya at tila lumala ang problema niya. Naipakunsulta ko na din ito sa isang dermatologist pero wala pa ring nangyari.
Ano ba ang mabisang gamot para sa allergy? Naawa ako sa anak ko dahil kapag sinumpong ay hindi niya mailakad ang kanyang paa. Sana ay mabigyan niyo ng pansin ang aking mensahe bilang ama na nasa ibang bansa. Maraming salamat at umaasa akong matulungan niyo ako. Kingdom of Saudi Arabia.
Salamat sa liham mo, Rey. Sa mga nakakakilala sa akin sa mga ibang dyaro na pinagsulatan ko noon, alam nila na hindi ako doktor. Ako’y isang journalist at medical researcher. Nakahiligan ko yung pagbabasa at pagsulat ng science at medicine noon pa.
Dahil dito, nakapagsulat ako ng tatlong health books na naging best sellers at binabasa din ng maraming doctor. Ang mga sinasabi ko sa column ko ay base sa research at interviews sa mga specialists. Tulad ng ginagawa ko noon, asahan mo na bibigyan ko kayo ng tama at sapat na impormasyon upang maintindhan niyo ang sakit niyo at malaman niyo kung ano ang dapat gawin.
Tungkol sa anak mo, may kutob ako na hindi allergy yan kundi blisters dahil sinabi mong hindi siya makalakad paminsan-minsan. Ang blister ay nakaalsa ang balat na may lamang tubig. Mabilis itong lumitaw sa paa dahil sa pressure o friction sanhi ng pagsusuot ng masikip o maling sapatos. Tatalakayin ko ito sa Miyerkules.
(source: Abante Online)