Friday, August 5, 2011

Kahit Bumaba ang Kaso, Wag Kampante sa Dengue – DOH



Bagama’t bumaba ang kaso ng dengue kumpara noong nakaraang taon, hindi umano dapat na ma-ging kampante ang publiko laban sa nasabing sakit.

Sa pinakahuling report ng Deaprtment of Health (DOH), nakapagtala ng 38,876 kaso mula Enero hanggang Hulyo 23 o 25.85 porsiyentong mababa sa 52,428 outbreaks sa lalawigan ng Batanes at Aurora.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, nabawasan ang kaso ng dengue subalit kailangan pa rin ang patuloy na pag-iingat at pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.

Hangga’t patuloy ang pag-ulan, kailangan pa ring patuloy na clean-up campaigns sa mga barangays upang masugpo ang pamumugad ng mga lamok.

Nabatid kay Ona, karamihan sa mga kaso ay mula sa National Capital Region (9,229), Central Luzon (6,365), at CALABARZON (5,649), Ilocos Region (3,432), at Cagayan Valley (2,737).

(source: Pilipino Star Ngayon)