Ipinagutos na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo ang paglunsad ng cleanup drive sa buong bansa, sa harap ng tumataas na kaso ng dengue.
Sa ipinalabas na direktiba, inaatasan ng kalihim ang mga local chief executives, mula sa gobernador hanggang mga barangay chairman na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga local health officials para magsagawa ng operasyon na mapuksa ang mga dengue-carrying mosquitoes.
Una rito, iniulat ng Department of Health (DoH) na umakyat na sa kabuuang 38,876 ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue sa buong bansa simula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Source: Bombo Radyo