Balagtas Ng Bagong Henerasyon - Mariin kong kinukundena ang institusyon ng GMA 7, ang bumubuo ng News and Current Affairs, ang programang “Case Unclosed”, at ang Host nitong si Arnold Clavio, matapos na ipalabas ang isang hindi makatarungang dokumentaryo.
Noong nakaraang Huwebes, Hunyo 17, 2009, walang habas na inere ng naturang programa ang isang MALISYOSO, MAPANIRA, at DI-MAKATOTOHANANG dokumentaryo tungkol sa kaso ng isang Religious Leader na si Bro. Eliseo “Eli” Soriano.
Sa kabuuan ng dokyu, iisang bahagi lamang ng isyu ang tinalakay. At iyon ay ang bahagi at salaysay ng biktima KUNO. Nakalimutan yata ng pamunuan ng GMA 7 at ni Arnold Clavio, at ang lahat ng mga nasa likod ng programang ito, na SOP sa aming mga journalists na kunin ang dalawang mukha ng istorya. Ipakita ang magkabilang anggulo. Ihayag ang dalawang boses ng kontrobersiya.
Maliwanag na ibinandera ng GMA 7 ang kawalan ng propesyonalismo at pagiging bias. Oo nga’t hiningi nila ang panig ng Ang Dating Daan sa naturang isyu, at ayon sa kanila, ay hindi tumugon ang grupo kung mag-papaunlak ng panayam o hindi. Kung gayon, hindi muna nila sana inere ang programa hangga’t wala pang tugon ang isang side.
Pero, dahil sa impluwensyang pinansyal, tila binayaran ang prinsipyo ng GMA 7. Ang kaso ni Bro. Eli Soriano na acts of lasciviousness at rape ay baseless, malicious at fabricated. IMBENTO. Gawa-gawa ng mga taong gustong manira sa kanya. Pakana ng mga nasasagasaan niyang relihiyon.
Wag nating kalimutan na ang nagpiprisintang biktima ay miyembro na ngayon ng IGLESIA NI MANALO. Sinong gago ang maniniwala na hindi ang IGLESIA ang nasa likod nito.
Desperado na talaga si MANALO. Hindi nga naman siya mananalo kay Bro. Eli sa diskusyon ng Aral ng Biblia, kung kaya’t gumawa sila ng paraan upang siraan ang ministro.
Muli, hinihingi ko sa publiko na tuluyang iboycott ang GMA NETWORK. Ang kanilang nakakasukang “SERBISYONG TOTOO” daw, ay hindi na kailanman kakagatin ng sambayanan.
Mataas sana ang tingin ko sa KAPUSO Station, pero, nawalan ako ng gana sa bulok nilang kalakaran.
Tatalakayin ko rin ang isyung ito bukas, sa aking programang “KOMENTARYO NI KUYA THIRD”, na mapapakinggan sa DWIZ (Radyo ng Masa, Radyo ng Pilipino) 862khz tuwing alas-sais hanggang alas-otso ng umaga.
Patas na pagbabalita o patas na paninira?
Pantay na pagtalakay o bantay-salakay?
Isyung may katuturan o dokyung bayaran?
Kapusong totoo o kampon ng dimonyo?