Naipaabot na rin sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang patuloy na pagsuporta ng Department of Health (DOH) sa pinatupad na Anti-Smoking Campaign ng ahensiya.
Ito’y sa kabila ng ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng korte na pagpapatigil sa MMDA sa pagpapatupad ng kampanya nito kontra yosi.
Ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino, sa kabila ng TRO ay nananatiling suportado ng DOH ang kanilang patuloy na panghuhuli sa mga naninigarilyo sa pampublikong lugar na saklaw ng Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act of 1993, tulad ng mga ospital, eskwelahan, pampublikong terminal ng mga sasakyan, simbahan at iba pang enclosed public places.
Muling nilinaw ni Tolentino, hindi naman sila tumigil sa panghuhuli sa mga naninigarilyo sa mga public places maliban na lamang sa mga lugar na sakop ng TRO tulad ng kalsada, sidewalk at footbridge.
Source: Abante Online