Ni Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon)
Inamin kahapon ni Pa ngulong Aquino na lumapit sa Palasyo ang kampo ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan upang ialok ang pagiging state witness nito kaugnay ng Maguindanao massacre.
Sinabi ng Pangulo sa media briefing sa lungsod na ito matapos niyang mamahagi ng tulong sa magsasaka at mahihirap, hindi niya nakaharap si Gov. Ampatuan subalit nagpahatid ito ng kagustuhan na tumulong sa gobyerno sa pamamagitan ng pag-aalok ng sarili nitong maging testigo laban sa kanyang ama na si Andal Ampatuan Sr. at kapatid na Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.
Ayon kay Aquino, ang alok ni Ampatuan ay walang kaakibat na anumang kondisyon kaya mananatili pa rin siyang may kaso.
Ayon sa Pangulo, pag-aaralan ng kanyang legal team ang offer ni Gov. Zaldy para alamin kung makakatulong ba ito sa kaso at kung kwalipikado nga ito na maging testigo ng gobyerno.
Gusto naman ng mga kaanak ng biktima ng massacre na makausap ng personal si Aquino para kumbinsihin ito na huwag tanggapin ang alok ni Zaldy.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, wala silang nakikitang batayan o justification para maging state witness si Ampatuan. Kailangan umanong dumaan sa batas ang magi ging state witness at isipin ang mga private complainants.
Isa lamang daw ang nakikitang dahilan ng da ting regional governor sa balak na pagbaligtad sa pagkakadawit sa masaker, at ito ay ang itanggi ang kinalaman sa krimen.
Ang malinaw daw nga yon, isa si Zaldy sa akusado sa Maguindanao massacre.
Ayon naman kay Ako Bicol Party List Rep. Rodel Batocabe, sa ilalim ng section 17 rule 119, mayroong mga requirements upang maging state witness kabilang dito na kung ang testimonya ay hiniling, walang direktang ebidensya ang prosekusyon na magtuturo maliban sa testimonya ng akusado, ang testimonya ng akusado ay mag-uugnay, ang akusado ay hindi lalabas na most guilty at ang akusado ay hindi nahatulan sa anumang kaso na sangkot ang moral turpitude.
Giit ni Batocabe, sa lahat ng nabanggit na probisyon ay hindi pasok sa requirements si Zaldy. (Dagdag ulat nina Doris Franche at Gemma Garcia)