Wednesday, July 20, 2011

Walang Waldas Kay PNoy! - Philstar



Mas nakatitiyak na ngayon ang mamamayan na ang pera ng bayan ay nagagastos sa tamang pagkakagamitan dahil kasama na nila ngayon ang civil society at ang mga non-governmental organization sa pagdedesisyon ng paghahatid ng budget ng bansa.

Sa ginanap na 4th forum on Good Governance and Anti-Corruption ng Pilipinas Natin Pre Sona program, sinabi ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na na di tulad ng nagdaang administrasyon, sa ngayon ay maaari na ring tingnan ng mamamayang Pilipino ang agarang tugon sa tawag ng transparency at accountability dahil lahat ng transaksiyon sa gobyerno ngayon ay nakalagay sa website ng ahensiya para maalis ang palakasan sa gobyerno na ugat ng korapsiyon.

Inamin ni Abad na laganap ang korapsiyon sa nagdaang pamahalaan tulad ng mga gusot na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan, pero nang mag-umpisa si Pangulong Aquino sa posisyon nito ay nagkaroon ng pagbabago dahil ang kasalukuyang pamahalaan ay may mga transparency measures na naipatutupad tulad ng paglalahad sa taumba yan ng ginagawa ng mga ahensiya ng pamahalaan, ano ang nangyari sa mga proyekto, ano ang progreso ng mga proyekto at agad inaalam kung ano pa ang obligasyon ng gobyerno para solusyunan ang mga problema para sa kapa kanan ng mamamayan.

Nilinaw ni Abad na sa pagre-release ng pondo ng DBM ay wala na nga yon ang mga palakasan, sa ngayon pina-prioritize nila ang paglalaan ng budget na may higit na mala king pakinabang at maitutulong sa mamamayan tulad ng CCT, edukasyon, public health, pabahay at pagkain.

Sinabi ni Abad na gagawin ang lahat ng pamahalaan na maalis ang problema sa korapsiyon sa bansa dahil ito ang ugat ng kahirapan ng taumbayan at sa pamamagitan ng pagpapatupad sa structural system ng ahensiya, mabilis na matutugunan ng pamahalaan ang sistema na nagdudulot ng kahirapan sa maraming mamamayan.

(source: Pilipino Star Ngayon)