Tuesday, July 26, 2011

P17-M, Tinanggap nina Bryant, Durant at D-Rose sa Paglalaro sa Pilipinas



Kung gaano kamahal ang tickets para makita ang mga NBA superstars na naglaro laban sa PBA stars at Gilas Pilipinas basketball team nitong nakaraang weekend, ay siya namang mahal ng bayad sa mga ito para makapaglaro sa bansa.

Ayon sa ulat, umabot umano sa $400,000 o nasa mahigit P17 million ang tinanggap bawat isa nina 5-time NBA champion Kobe Bryant, scoring champion Kevin Durant at NBA MVP Derrick Rose.

Maliban kina Durant, Bryant at Rose, kasama rin sa mga naglaro sina Chris Paul, Javale McGee, Derrick Fisher, Tyreke Evans, Derrick Williams at James Harden.

May usap-usapan ngayon na ang susunod na darating sa bansa ay ang buong koponan ng Real Madrid football club, na pinangungunahan ng kanilang star player na si Cristiano Ronaldo.

(source: Bombo Radyo)