Saturday, July 2, 2011

Mahigit 200 na Naninigarilyo sa Metro Manila, Na-Aresto…



ARESTADO ang may 170 naninigarilyo sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Ito ay kaugnay ng unang araw ng implementasyon ng ‘no smoking’ policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Batay sa report mula sa mga ipinakalat na Anti-Smoking Team Mmda, ilan sa mga nahuli ay mga tsuper at kondukto ng mga public utility vehicles na malapit sa ilang transport terminal.

Maliban sa mga tsuper ng jeep at konduktor ng bus, ilang pulis din ang nahuli na naninigarilyo sa mismong loob ng Quezon City Police District Station 10.
Karamihan sa mga nasabing nahuli ay nagdahilang hindi nila alam ang no smoking policy sa Metro Manila.

Matatandaang nagkaroon pa nga ng isang buwang awareness campaign noong Hunyo ang MMDA tungkol sa nasabing regulasyon.

(source: RMN News)