by abante.com.ph
Dahil sa dami ng kasong kakaharapin at tila inilalaglag na siya ng kanyang mga dating tauhan, itinuturing ng isang kongresista na “politically at legally comatose” na umano si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Neri Javier Colmenares, hindi na kayang bumangon ni Arroyo sa dami ng mga kasong kinakaharap kung saan kahit isa lang dito ang magtagumpay ay kulungan pa rin ang bagsak umano nito.
“Legally, she’s already comatose. Marami na ang naisampang kaso sa kanya at madadagdagan pa ‘yan in the near future,” paha yag ni Colmenares at mauubusan umano ng oras ang dating Pangulo para idepensa ang kanyang sarili sa mga kasong ito tulad ng plunder at graft charges.
Giant ipil-ipil bagsak --- Bumagsak ang malaking puno sa may North Green Park, Bonifacio Ave., sa may boundary ng Manila at Quezon City dahil sa lakas ng hangin at ulan kagabi kaya ito’y nagdulot ng mahabang trapiko sa nasabing lugar dahil hindi agad inalis ang natumbang puno. (Art Son)
Isang halimbawa umano rito ay nang aminin ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Rosario Uriarte na alam ni Arroyo ang diversion of fund sa nasabing ahensya partikular na sa intelligence fund na umaabot ng P315 milyon.
“Indirectly isinabit ni Uriarte ang amo niya. Kung maimpluwensya pa rin si GMA, maraming magtatanggol sa kanya. Hindi hahayaan na makaladkad ang pangalan niya sa scam,” ani Colmenares.
Tahimik din umano ang mga supporters ni Arroyo na hindi pangkaraniwan sa mga dating lider ng bansa na nakakasuhan tulad nina dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada at Ferdinand Marcos.
Minaliit
Minaliit lamang kahapon ni Sen. Panfilo Lacson ang pagyayabang ng abogado ni dating Pangulong Arroyo na hindi ito maaaring kasuhan ng plunder sa PCSO fund scam.
Ayon kay Lacson, kung si Atty. Raul Lambino lang ang magiging abogado ng dating Pangulo, tiyak na hihimasin na niya ang malamig na rehas na bakal dahil sa ipapatalo lamang siya nito.
“Kung ganu’ng klase ang legal defense ni GMA sa usaping pang-abuso sa pondo ng PCSO, malamang hindi lang kaso ang sasapitin niya kundi conviction pa,” babala ng senador.
Nauna rito ay minaliit ni Lambino ang babala ng ilang senador na kasong plunder ang kakaharapin ni Gng. Arroyo, ngayon ay kinatawan ng ikalawan g distrito ng Pampanga.
Ipinagyabang ni Lambino na hindi makakasuhan ng plunder ang dating Pangulo dahil sa kawalan ng ‘criminal intent’.
Kaugnay nito, ipinagtanggol ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang paglalagay ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang watchlist kina Uriarte at dating PCSO Ads and Promotions Manager Maneuel Garcia dahil sa iligal na paggamit ng pondo ng nasabing ahensya. Ito ay bilang reaksyon ni Valte sa sinabi ni Atty. Lambino na ‘overkill’ ang agad na paglalagay sa watchlist sa kanyang kliyente lalo at wala naman umanong plano na lumabas ng bansa si Uriarte.