Sunday, July 17, 2011

HELLO GARCI Kasong Kriminal :ENRILE



Tahasang inihayag kahapon ni Senate President Juan Ponce Enrile na ang Department of Justice (DOJ) at hindi ang Kongreso ang dapat mag-imbestiga sa umano’y dayaan sa presidential election na nakapaloob sa ‘Hello Garci’ scandal dahil ang pandaraya ay isa umanong kasong kriminal.

“Kung meron mang dayaan noong panahon na iyon, ang mag-imbestiga na niyan hindi Kongreso, kundi DOJ,” pahayag ni Enrile sa panayam ng dzBB kahapon.

Paliwanag ng senador, ang pandaraya sa halalan ay isa aniyang krimen kaya dapat ang DOJ na ang gumawa ng imbestigasyon at hindi ang Kongreso.

Nauna nang naghain ng resolusyon ang ilang kongresista para imbestigahan ang diumano’y dayaan noong 2004 at 2007 elections na nauna nang ibinun yag nina suspended Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan at dating election officer Lintang Bedol.

Samantala, sinabi naman ni Senador Francis Escudero na bagama’t hindi naman aniya siya lubos na nagtitiwala sa kredibilidad nina Zaldy at Bedol, naniniwala naman itong may patutunguhan din ang kanilang mga pagbubunyag.

“Hindi naman sa paniniwalaan pero maaring maituro sa atin ang tamang direksiyon at maaring maipaliwang nila kung saan ang ebidensiya na magpapatunay ng kanilang sinasabi,” sambit ni Escudero.

Kahapon, sinabi ni Comelec Commissioner Armando Velasco na dapat nang matuldukan ang alegasyong nagkaroon ng dayaan noong 2004 at 2007 elections.

Isang imbestigasyon ang iniumang ng Comelec, ngunit kailangan umanong may kalakip na dokumento ang pahayag nina Zaldy at Bedol.

Ito rin ang giit ng MalacaƱang na nagsabing may political will si Pa ngulong Benigno Aquino III, pero kinakailangan ang matibay na ebidensya para patotohanan ang ‘Hello Garci’ scandal na magdedetalye sa nangya ring dayaan.

(source: Abante Online)