Monday, July 18, 2011

Echiverri, 6-Buwang Suspendido



Anim na buwang preventive suspension ang hatol ng Office of the Ombudsman laban kay Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri at tatlo pang opis yal ng pamahalaang panlungsod dahil sa umano’y hindi pagre-remit ng Government Service Insurance System (GSIS) contribution ng mga city employees na nagkakahalagang P38 milyon.

Sa inilabas na order kahapon ni Acting Ombudsman Orlando Casimiro, 180-days o anim na buwang suspendido si Echiverri at tatlo nitong opisyal na sina City Treasurer Evelina M. Garma, City Budget Officer Jesusa Garcia at City Accountant Edna Centeno.

Nag-ugat ang reklamo sa alkalde at umano’y mga kasapakat nitong opisyal sa inihaing complaint ni Caloocan Vice-Mayor Edgar R. Erice.

Sa reklamo ng bise alkalde, walong taong hindi binayaran ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang GSIS premium contribution ng libu-libong empleyado ng city government.

(source: Abante online)