May 780 na lampayatot (lampa at payat) o undernourished na mag-aaral mula sa limang public ele mentary schools sa buong bansa ang inaasahang makikinabang sa supplemental feeding at nutrition program na napagkasunduang isagawa ng Department of Education (DepEd) at ng condiments manufacturer na Nutri-Asia, Inc.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, ang naturang feeding program ay inialok ng Nutri-Asia at inaasahang maka tutulong upang ma-improve ang school attendance at school performance ng mga mag-aaral na madalas na pumasok sa paaralan ng walang laman ang mga sikmura.
Iginiit ng Kalihim na mahalagang may sapat na nutrisyon ang isang mag-aaral upang mas madali itong matuto ng mga aralin.
Paliwanag ni Luistro, ang mga mag-aaral na ‘poorly nourished’ ay hirap na magpokus sa kanilang lesson at mas madalas na umabsent, na nauuwi sa pagtigil pa sa pag-aaral.
Ang supplemental feeding at nutrition program ay ipapatupad sa loob ng anim na buwan upang labanan ang malnutrition at maibalik ang kalusugan ng mga piling mag-aaral mula sa Bagong Ilog Elementary School sa Pasig; Banay-banay Elem. School sa Cabuyao, Laguna; Lias Elem. School sa Marilao, Bulacan; Subangdaku Elem. School sa Mandaue City, Cebu at Quimpo Elem. School sa Davao City.
(source: Pilipino Star Ngayon)