By Pilipino Star Ngayon
Naalarma na ang Estados Unidos sa sunud-sunod na panghihimasok ng China sa teritoryong sakop ng Pilipinas sa pinag-aagawang Spratly Islands kaya umapela na ito sa pamahalaang China at Pilipinas na panatilihing ma ging mahinahon sa kabila ng umiinit na palitan ng salita ng dalawang bansa.
Sinabi ni US Ambassador Harry Thomas Jr. na patuloy na naka-monitor ang Amerika sa nagaganap sa South China Sea subalit nilinaw niya na walang pinapanigan ang Estados Unidos sa anumang bansang nag-aangkin sa Spratlys. [ FULL STORY ]