Ni Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon)
Nararapat lamang umano na sampahan din ng kaso si Lt. Col. George Rabusa dahil mismong siya ay umamin na nakinabang din siya sa “kupit” mula sa budget ng Armed Forces of the Philippines na dapat sana ay pantustos sa pa ngangailangan at sweldo ng mga sundalo.
Ito ang paniwala ni Atty. Batas Mauricio na nagsabi sa isang press conference sa Quezon City na ang ginawa ni Rabusa na pagsisiwalat ng umano’y katiwalian sa AFP ay hindi dapat ma ging dahilan upang siya’y mailigtas sa kasong pandarambong, dahil siya mismo ay nakinabang sa milyong mil yong nakaw mula sa budget ng military. [ FULL STORY ]