By Aries Cano & Bernard Taguinod, Abante Online
Dahil sa pamamayagpag ng mga Katolikong sumusuporta sa Reproductive Health bill ay tinatakan (trademark) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang terminong ‘Katoliko’ bilang eksklusibong tawag sa mga miyembro ng Simbahang Katoliko na sumusunod sa kanilang mga aral.
Isang opisyal ng CBCP ang nagsabing ang terminong ‘Catholic’ ay nakareserba lamang sa mga sumusunod sa aral ng Santo Papa kung saan ay nabigyan ng opisyal na lisensya ng Vatican sa pamamagitan ng binuong bagong franchising agent sa Pilipinas ay ang CBCP Commission on Franchising and Life o COFAL. [ FULL STORY ]