Saturday, May 14, 2011

UNANG KASO NI GLORIA, GUMAGALAW NA SA DOJ

by Bernard Taguinod, abante.com.ph

Magsisimula na ang kalbaryo ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil haharap na ito sa preliminary investigation (PI) dahil sa graft charges na isinampa laban sa kanya kaugnay ng ZTE-NBN deal.

Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Neri Javier Colmenares, inabisuhan na sila ng Department of Justice (DOJ) na maghanda na dahil sisimulan na ang PI sa kaso ng dating Pangulo.

Sinabi ng mambabatas na nakatuon ang atensyon ng Bayan Muna at National Union of Peoples Lawyer (NULP) sa PI sa ZTE-NBN case laban kay Arroyo.

“Seryoso kami na ma-indict si GMA sa kasong ito,” ani Colmenares kaya sinisiguro ng mga ito na hindi malulusutan ni Arroyo ang kasong ito at maik yat ang asunto sa Office of the Ombudsman.

Ang ZTE-NBN deal ay ang unang kasong isinampa kay Arroyo pagbaba na pagbaba nito sa MalacaƱang noong Hunyo 30, 2010 kaya iniingatan umano nila ito nang husto.

“This is the first case filed against GMA kaya hindi dapat niya ito malusutan,” anang mambabatas kung saan gagamitin bilang ebidensya ang pagbiyahe ng Pangulo sa Zhen-Zhen China at naging bisita ng mga ZTE officials sa kanilang headquarter sa nasabing bansa noong 2007.

Bagama’t kinansela ni Arroyo ang nasabing deal, hindi pa rin umano dapat palusutin ang Pampanga solon dahil lumabas na napilitan lamang niyang gawin ito nang mabunyag ang nasabing katiwalian.