“Nakakatakot! Ipagdasal n’yo ako, ayokong mamatay dito.” Ito ang umiiyak na bilin ni Riza Sermino, 46, hotel staff sa Tokyo, Japan nang makausap sa telepono ng kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas habang idinuduyan ng 8.9 magnitude na lindol ang kanilang hotel kamakalawa.
Ayon kay Sermino, nasa ikaapat na palapag siya sa pinagtatrabahuang hotel nang umuga ang gusali.