Nina Ellen Fernando at Mer Layson (Pilipino Star Ngayon)
Inamin kahapon ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo at Konsulado sa Osaka sa Department of Foreign Affairs na hirap sila ngayon na tuntunin ang may mahigit isang libong Pinoy na nasa Miyagi prefecture, ang lokasyon ng Sendai City na tinamaan ng lindol at tsunami.