Tuesday, February 8, 2011

SENATE PROBE SINUSPINDE MUNA


by Pilipino Star Ngayon
senateNapagkasunduan kahapon ng mga senador na ipagpaliban na muna ang nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa susunod na linggo tungkol sa katiwalian sa militar at sa plea bargaining agreement ni dating AFP comptroller Carlos Garcia.

Ito ang inihayag kahapon ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto matapos ang hindi inaasahang pagpapakamatay ni dating AFP chief of staff Angelo Reyes.
more