Browse »
Home
»
Pinoy News
»
PAGSIBAK KAY REP. SINGSON GUGULONG NA SA KAMARA
Ni Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon)

Uumpisahan na ng House Committee on Ethics ang pagdinig para sibakin bilang kongresista si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson hinggil sa sinasabing 6.7 gramong cocaine na nakuha dito noong July 11, 2010 sa Hong Kong airport.
Ayon sa ulat, didinggin na ang expulsion case ni Singson sa Kamara matapos itong mag-plead guilty sa kasong kinahaharap niya sa korte sa Hong Kong.