Ibinunyag ng nagtatagong si Senator Panfilo Lacson na maging sa Philippine National Police (PNP) ay mayroon ding “pasalubong” o pondong ibinibigay para sa chief PNP.
Sa statetement na ipinadala ni Lacson sa pamamagitan ng e-mail, kinumpirma nito na ng naging PNP chief siya noong 1999, mayroon ding “commander’s reserve” fund na nagkakahalaga ng P40 milyon bawat taon.