By Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) Bagaman ipinagpaliban ng China ang pagbitay sa tatlong Pinoy, inamin ng DFA na malabo pa para sa tatlong Pinoy na makuha ng Pilipinas ang hinihinging “commutation” o pagpapababa sa habambuhay na pagkabilanggo mula sa parusang kamatayan. Ayon kay DFA spokesman Ed Malaya, wala pa silang masabi kung ilang araw, ilang buwan o taon ang ibibigay na reprieve o pagpapaliban sa pagbitay sa mga Pinoy na sina Ramon Credo, 42; Sally Villanueva, 32 at Elizabeth Batain, 38. |