By Bernard Taguinod, Abante Online Pa-expire na sa Marso 13 ng taong ito ang impeachment period laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez at ngayon pa lang ay naghuhugas na ng kamay ang Mababang Kapulungan ng Kongreso. “Hindi kami ang masisisi d’yan. Sigurado ang Supreme Court ang sisisihin,” pahayag ni House majority leader Neptali Gonzales II dahil malapit nang matapos ang 60-session day period na itinakda ng batas para tapusin ang isang impeachment case. |