By Rose Miranda, Abante Tonite Kasabay ng paghahatid kahapon kay dating Defense Secretary Angelo Reyes sa huling hantungan, todong-nanawagan naman ang MalacaƱang sa lahat ng may nalalaman sa corruption sa militar na lumantad na sa publiko at ikanta ang lahat ng nalalaman nila sa isyu. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, panahon na upang matuldukan ang isyu at magkaalaman na talaga kung sinu-sino ang tunay na may sala sa nadiskureng malawakang corruption sa AFP noong panahon ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. |