Tuesday, February 8, 2011

HULING TAWAG NI GLORIA KAY REYES KAKALKALIN


By Boyet Jadulco, Lily Reyes & JB Salarzon, Abante Tonite
reyes gloriaSa gitna ng iba’t ibang naglulutangang espekulasyon at kuru-kuro sa pagpapakamatay ni da­ting Defense Secretary Angelo Reyes, nais namang kalkalin ni Sen. Antonio Trillanes IV kung ano ang naging mensahe ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa huling tawag nito sa kalihim isang araw bago ito nagbaril sa sarili.

Samantala, mahigpit namang ipinagbabawal ng pamilya ni Reyes ang pagdalaw, pagdadala ng bulaklak at ibang uri ng pakikiramay sa mga taong bumatikos at kumaladkad sa dating kalihim sa eskandalo ng ‘pabaon’, ‘pasalubong’ at ‘payola system’ sa Armed Forces ofthe Philippines (AFP).
more