Thursday, February 17, 2011

DRUG CASES NG MGA INTSIK SA ‘PINAS, GIGISINGIN


Ni Bernard Taguinod/Aries Cano, abante.com.ph
Sa gitna ng patuloy na pagmamatigas ng bansang China sa mga pagsisikap ng pamahalaan ng Pilipinas na mai-commute sa habambuhay na pagkabilanggo ang sentensyang bitay sa tatlong Pinoy, ipinahiwatig kahapon ng ilang kongresista ang interes na gisingin ang drug cases na kinakaharap ng mga dayuhan sa bansa, kabilang ang mga Chinese nationals.

Kahapon ay humingi ng imbentaryo ng drug cases ng mga dayuhan sina Navotas Rep. Toby Tiangco, Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga. Kasama sa mga inatasang magsumite ng kanilang imbentaryo ay ang mga law enforcement agencies at mga hukuman.
more