By Juliet de Loza, Abante Online Kwidaw ngayong selebrasyon ng Valentine’s Day ang mga estudyante na nagpaplano na pumasok sa mga motel at hotel sa Maynila baka magulat kayo kapag nabuking ng mga erpats at ermats ang inyong “escapade”. Ito ay sa dahilang inatasan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang Manila Police District (MPD) na obligahin ang ‘registration’ sa mga papasok sa hotels at motels na sakop ng Maynila para mapigilan ang mga menor-de-edad sa kanilang panggigigil sa kanilang mga nobya at nobyo. |