By Rose Miranda, Abante Online Ibinunyag kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na may ideya siya kung sino ang protektor ni dating AFP Comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia sa isyu ng nadiskubreng corruption sa Armed Forces of the Philippines. Gayunpaman, sinabi ni Pangulong Aquino na ang ideya niya, hinala at kutob pa lamang at nais niya na mag-ipon pa ng ebidensya ang Department of Justice (DOJ) hinggil dito. |