By Noel Abuel, Abante Online Nanawagan ang ilang kongresista kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na agarang isailalim sa lifestyle check sa may 6,000 auditors ng Commission on Audit (COA). Sinabi ni Cavite Rep. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya Jr., chairman ng House committee on appropriations,?kinakailangang masiguro na hiwalay ang mga government auditors sa mga departamento at ahensya ng pamahalaan na sumasailalim sa pag-a-audit. |