by abante.com.ph
Sa ambush interview, sinabi ng Pangulo na nakatakda niyang kausapin si Binay kahapon upang personal itong magtungo sa China sa lalong madaling-panahon at ipakiusap sa mga Chinese authorities na ibaba ang parusa sa life imprisonment. Bukod dito ay nakatakda rin umanong kausapin sa telepono ni Aquino si Chinese President Hu Jintao hinggil sa nasabing bagay.